Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jake dinalaw ang nabaril na rider

0 148

Nagpakita ng kagandahang-loob si Jake Cuenca sa Grab rider. Ito ‘yung nadamay sa aksidente na kanyang kinasangkutan noong nakaraang buwan.

Sa kanyang Instagram post, makikitang dinalaw ni Jake ang rider na si Eleazar Martinito. Tinamaan ng ligaw na bala habang hinahabol ng mga pulis ang sasakyan ng aktor sa Mandaluyong City.

Matatandaang nabangga umano ni Jake ang patrol car ng mga pulis. Sa halip umano na huminto ay tumakbo pa lalo ang aktor kaya’t pinaputukan na siya ng mga parak. Dahil dito, nadamay at tinamaan si Martinito.

Pero maayos naman ngayon ang lagay ng rider. Happy naman si Jake na nadalaw niya ito.

“Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si eleazar martinito ang grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan,” saad sa caption niya.

“Taos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita.”

“Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya. Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho,” dugtong pa ng aktor. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.