Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jake Ejercito iniwan na si Maine

0 790

NI: ROLDAN CASTRO

Bumulaga ang larawan ni Jake Ejercito sa Star Magic catalog na special edition ng lockdown portraits .

Sey ng mga netizen, iniwan na raw ni Jake si Maine Mendoza sa Kapuso network. Tuluyang mawawala na ang mga basher na against sa kanya nang i-partner kay Yaya Dub.

Matatandaan ipinareha si Jake kay Maine sa kalagitnaan ng kasikatan ng AlDub. Naging bahagi rin siya ng Kalyeserye segment ng ‘Eat Bulaga’.

Magkakasama rin silang tatlo sa EB Lenten Special ng EB na “God Gave Me You.”

Ngayon ay bagong kapamilya na siya ng Star Magic. Ang kanyang handler ay si Cris Navarro

Iniintriga ang pagpasok ni Jake sa Kapamilya network. Sino raw ang sinundan niya sa ABS-CBN 2? May napupusuan daw ba ito?

Last year ay na-link siya kay Bea Alonzo.

Anyway, inaabangan na ang bagong proyekto ni Jake na gagawin sa Dos. Posibleng mapanood ito sa Kapamilya channel habang sarado ang ABS-CBN 2.

Leave A Reply

Your email address will not be published.