Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jake kinondena ang bantang pagpatay

0 814

NI: ARCHIE LIAO

Very vocal si Jake Cuenca sa pagtuligsa sa 70 congressmen na hindi pabor na magkaroon ng prangkisa ng ABS-CBN.

Naghihimutok din siya dahil sa napakaraming artista at empleyado na apektado dala ng pagsasara ng nasabing network.

Pero kahit na dismayado sa 70 congressmen na bumoto ng Yes sa non-renewal ng franchise ng ABS-CBN, nananaig pa rin sa kanya ang tamang hulog sa panahon ng pandemya.

Nag-react ang actor sa ginawa umano ng isang netizen na pagbabanta nito sa four-year old daughter ni Congressman Mike Defensor na isa sa mga bumoto para iligwak ang prangkisa ng nabanggit na istasyon.

May banta kasi si @ano123456123365 kay Defensor na

“Patayin ko ang anak mo, gago.”

Sa kanyang Twitter account, nag-post naman ang Anak Kalusugan Partylist na kakasuhan ang basher.

Sa kabila ng pagkakaiba nila ng opinyon at pananaw , nakahanap naman ng kakampi ang congressman kay Jake.

Paliwanag ni Jake : “No what how different people’s views are. Threatening a child will never be right.”

Marami naman ang pumuri sa pagiging makatao at maunawain ni Jake.

Leave A Reply

Your email address will not be published.