Abante Tonite Interactive

Jake na-basted sa dugyot look

519

May mga naging girlfriend na ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca pero hindi siya naging ganoon ka-vocal sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman sa mga ito.

Hindi rin siya ganoon ka-open pagdating sa display of affection until dumating si Kylie sa kanyang buhay.

“I’m very open with what I feel. I do love her from the bottom of my heart. Mahal na mahal ko siya,” ani Jake. “This is the happiest I’ve ever been. I’m happy I’ve met her in this time of my life,” dugtong niya.

Aminado rin siyang noong una na hindi siya type ni Kylie lalo na noong panahong nagkakilala sila sa “Panday”. Mahaba pa kasi ang kanyang buhok at mukhang marusing.

“Hindi niya kasi type iyong long hair. Noong una, basted talaga sa kanya,” pagbubunyag niya.

Hindi rin niya ikinaila na nag-effort siya para suyuin si Kylie at malaki ang naging papel nito para mabago ang outlook niya sa buhay.

“At my age, mas disiplinado ako ngayon, mas mature ako, and I know na I can take care of her,” pahayag niya.

Almost nine months na ang kanilang relasyon ng beauty-queen turned-actress at para sa kanya, si Kylie ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya.

Nasa punto raw siya ng buhay niya na naayos na niya ang kanyang career kaya wala raw namang masama kung mag-pokus siya sa kanyang love life.

Wish din niya na si Kylie na ang babaeng pakakasalan niya.

“Basta ako, mahal ko siya. Nandu’n ako sa hindi na rin ako bata. Kung ako lang papapiliin, yes, siya talaga,” pagtatapos niya.

Masaya naman si Jake dahil nananatiling top rater ang “Los Bastardos” na pinagbibidahan niya kasama ang mga kapatid niya sa seryeng sina Joseph Marco, Albie Casiño, Joshua Colet at Marco Gumabao.

Sobrang bilib din siya sa veteran actor na si Ronaldo Valdez (ang patriarch ng Cardinal clan) na itinuturing niyang idol kaya tinanggap niya ang nasabing teleserye.

Archie Liao