Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jake naghubo sa beach

0 546

NI:ARCHIE LIAO

Sa vlog ng beauty queen-actress na si Kylie Versoza, sumalang sa Never Have I Ever Been challenge ang boyfriend niyang si Jake Cuenca.

Sa nasabing challenge, kung oo ang sagot niya, kinailangan niyang tumungga ng alak.

Maraming rebelasyon ang pinakawalan ng actor sa naturang vlog.

Inamin niyang ang first kiss niya ay naganap sa loob ng isang sinehan noong nasa high school pa siya.

Nakapunta na rin daw siya sa isang nudist beach dahil maraming ganoong lugar sa Espanya.

Nakahalikan na rin daw niya ang kanyang best friend na hindi babae kundi isang lalake.

Ang tinutukoy niya ay si Joem Bascon na nakasama niya sa gay-themed movie na Lihis.

Umamin din siyang dalawang beses na siyang nabasted sa mga babaeng pinormahan niya noon.

Sa usapin naman ng one-night stand, hindi naman siya nagpaka-ipokrito na may naka-fling siya noon.

‘I’m a 33-year-old man, I’m not like 15, 14 years old who have not experienced anything in life,” pag-amin niya kay Kylie.

Bagamat hindi niya idinetalye kung saan at paano naganap, natawa na lang si Kylie sa kanyang naging pag-amin.

Tungkol naman sa kanyang mga naging ex na hindi maganda ang kanilang naging paghihiwalay, never daw sumagi sa isip niya ang maghiganti.

Leave A Reply

Your email address will not be published.