Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jake nilinaw ang intriga kay Bea

0 451

May virtual presscon si Jake Ejercito na isa na ring Kapamilya at first project niya ang Marry Me, Marry You.

Actually ay last year pa pumirma si Jake sa Star Magic pero biglang nagkaroon ng pandemic kaya hindi agad siya nagkaroon ng proyekto. Bukod pa rito ay nag-off-the-air na nga rin ang ABS-CBN.

“I’ve actually met with the bosses, I think, it was a few days before the first lockdown. So, March of 2020, I had a meeting with sina Tita Cory (Vidanes) and sina Sir Deo were there, with the understanding na pipirma na and everything. Kaso nga lang, naudlot ng pandemic, and eto, it took a year, bago natuloy,” ani Jake.

Pero sulit naman ang paghihintay niya dahil nang i-offer daw sa kanya ang Marry Me, Marry You ay na-excite na siya at lahat daw ng nasa checklist niya ay namarkahan.

“When I got the offer to do this project, talagang. . .and I saw the cast who I’ll be working with, talagang it’s so overwhelming, it’s exciting and nerve-wrecking at the same time,” he said.

Kung dati ay reluctant actor si Jake dahil nga nag-aaral pa siya that time sa Singapore, this time, hopefully ay full-time na raw siya talaga sa pag-aartista and looking forward na nga raw siya na mag-taping.

Sa nasabing virtual presscon ay isa sa nalinaw na issue kay Jake ay ang pagkaka-link niya kay Bea Alonzo. Ayon sa anak ni former President Joseph Estrada ay dumalo lang daw siya sa birthday party ng aktres.

“I just attended her birthday party as a plus one. I was there as a plus one lang po actually. Du’n ko lang din talaga na-meet si Bea. And ako kasi, super-fan ako ng One More Chance, Bea-John Lloyd, super-fan po talaga ako.

“So when I met Bea, parang na-capture (ng camera) yata siya, and I posted it sa Instagram Story ko, parang staring contest. Pero ‘yun lang po ‘yun,” paglilinaw ni Jake.

Sunshine bet ka-partner sina Piolo, Lloydie

Opisyal nang ini-launch si Sunshine Dizon kahapon sa media bilang isang Kapamilya sa pamamagitan ng isang zoom presscon. Before the mediacon ay inanunsyo na rin ng ABS-CBN sa social media na ang first project ng aktres ay ang seryeng Marry Me, Marry You under Dreamscape Entertainment.

Para kay Sunshine, ang kanyang paglipat sa ABS-CBN after 25 yrs of being a Kapuso ay isang bagong season sa kanyang buhay.

“As of now, I am very grateful to be given this opportunity. It’s a new season in my life, in my career and I’m just very grateful and excited that I am given this opportunity to work for Kapamilya naman ngayon,” unang pahayag ni Shine.

Nang sinabi raw sa kanya ng kanyang manager na si Perry Lansigan na may offer from Dreamscape Entertainment, naramdaman na raw niya sa puso niya na ito ang landas na ibinibigay sa kanya ni Lord.

“To be honest, I’ve only had very simple prayer with regards to my career. I’ve always asked the Lord to plant me where I would bloom and in all the seasons of my life, I trusted His will.

“So, when this opportunity came, I just knew in my heart na ito na ‘yung bagong phase. I am old and hopefully wise enough to know and understand that the only constant thing in life talaga is change,” ani Shine.

Patuloy niya, “I’ve heard a lot of good things about Sir Deo (Endrinal) and Dreamscape, and when my manager said na there’s an offer from Dreamscape, from Sir Deo, I just knew in my heart that it was meant to be, and in this season in my life and career, I needed to do this.”

Sinagot din ng aktres ang tanong kung bakit niya naisip lumipat at hindi niya itinangging kailangan din naman niyang magtrabaho lalo pa nga’t may 2 anak siya. Bukod pa dito ay napakaganda raw ng offer ng Dreamscape.

“So, sa akin, parang work is work, di ba? And sa panahon ngayon, I think, we should all be grateful and thankful that we are able to work. So di ba, parang hindi na dapat gawing issue ‘yun,” she said.

Ngayong isa na siyang Kapamilya, natanong din kay Sunshine kung sino ang mga Kapamilya actors na gusto niyang makatrabaho at nangunguna sa kanyang listahan si Piolo Pascual.

“Syempre, si Papa P. Noong time na active rin si John Lloyd (Cruz), gusto ko rin siyang makaeksena kasi ang galing-galing ng mata nya,” sey ni Shine.

Sa aktres ay gusto raw niyang makatrabaho sina Angelica Panganiban at ang kapwa-Sangre niya sa Encantadia na si Iza Calzado. Binanggit din niya si Maricel Soriano na nakasama niya noong bata pa siya.

Magsisimula na ang lock-in taping ng Marrry Me, Marry You ngayong Mayo at kasama rin sa serye sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Jake Ejercito, Cherry Pie Picache, Vina Morales at marami pang iba. Ito ay ididirihe nina Jojo Saguin and Dwein Ruedas Baltazar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.