Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jake pina-Tulfo ng lola

0 1,105

NI: ARCHIE LIAO

Muli na namang nabuhay ang isyu tungkol kay Jake Zyrus at sa relasyon nito sa mag-inang Raquel Pempengco at lolang Tess Pineda.

Dumulog kasi ng tulong kay Raffy Tulfo ang lola niyang si Tess para sa kanyang medical check up.

Tatlong araw na raw kasi siyang high blood at masama ang pakiramdam.

Noong nakaraang taon, na-stroke raw kasi siya at napatiran daw ng ugat sa batok kaya hirap siyang maglakad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ano po bang ginawa ko sa kanila para ganituhin nila ako? Nagsikap naman po ako sa buhay ko. Nagpundar ako. Pagkagaling ko sa Saudi, wala na po akong pinundar kahit isa,” saad niya.

Sa nasabing video, nagbigay rin siya ng mensahe sa apong si Zyrus aka Charice.

“Charice, bakit mo ko ginanito, anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinapakain mo,”himutok niya.

“Pero ang lola mo kahit piso, di mo naaalala. Kung ako’y naging masamang ina, kung ako’y naging masamang lola, sakin pa rin kayo nagmula,” pahabol niya.

Bukas ang panig nina Jake at Racquel sa sumbong ni Lola Tess para sa ikalilinaw ng isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.