Abante Tonite Interactive

Jake tinangging niligawan si Maine

999

Nilinaw ni Jake Ejercito na hindi talaga naging sila ni Maine Mendoza. Aniya nang makausap namin sa last shooting day ng comeback film ni former Sen. Jinggoy Estrada, talagang magkaibigan lang sila ng aktres.

Matatandaang nagkasama sina Maine at Jake sa Eat Bulaga at dito rin nagsimulang ma-link sila.

Hindi ba niya niligawan si Maine?

“Hindi naman po. We became very close friends,” sabi ni Jake.

Narinig ito ni Jinggoy na nasa tabi lang niya at tinanong kung sino ang pinag-uusapan.

Nang sabihin naming si Maine, napairap siya kay Jake at sinabing “close friend. . .” na parang sinasabing hindi totoo ang sinasabi ng half-brother. Tawanan.

Natanong din si Jake kung may chance ba na gumawa sila ng project ni Maine lalo na nga ngayong pinasok na rin niya ang pag-arte. Gumaganap siya bilang anak ng karakter ni Jinggoy.

“Hindi ko po talaga masasabi, eh. Depende po sa opportunity sa akin na dumating,” he said.

What’s funny eh kasama niya rin si Sylvia Sanchez na as we all know ay nanay ng boyfriend ngayon ni Maine na si Arjo Atayde.

Ang biruan nga, nandiyan daw sa likod ni Jake ang biyenan ni Maine kaya tawanan ang lahat.

Actually, first movie ni Jake ito at siyempre, tinanggap niya ang pelikula because of his kuya Jinggoy plus nagustuhan din naman daw niya ang proyekto.

Kabado at nangapa raw siya talaga pero thankful naman siya sa kuya Jinggoy na at kay Ibyang dahil tinulungan daw siya at hindi naman daw pinaramdam sa kanya na baguhan lang siya kaya talaga raw nag-enjoy din siya doing the film.

When it comes to his personal life, thankful si Jake na tahimik na ang lahat ngayon. Alam din naman ng lahat ang pinagdaanan niyang kontrobersiya before with her ex-girlfriend, Andi Eigenmann na ina ng kanyang anak na si Ellie.

Ang bilis nga raw ng panahon dahil 8 years old na ngayon si Ellie and few years from now ay dalaga na.

Noon pa ay nasasaksihan din naman ng lahat kung gaano kamahal ni Jake ang anak nila ni Andi at never niya ito talagang pinabayaan since day 1.

Ngayong may kanya-kanya na silang buhay ni Andi, constant pa rin naman ang communication nila ni Ellie. He sees her child at least twice a month at nakakasama rin niya sa mga out of the country trips.

Walang love life ngayon si Jake at aniya, ang buong panahon daw niya ay nakabuhos kay Ellie.