Abante Tonite Interactive

Jake type si Erich

By
979

Bongga dahil click sa masa ang ‘The Blood Sisters’ lalo na at malapit na itong magtapos. Imagine kasi kung paano i-portray ni Erich Gonzales ang tatlong magkakaibang karakter pero iisa ang mukha.

Makulay man ang career ni Erich Gonzales pero wala naman siyang lovelife. Bagama’t pinipilahan ang beauty ng aktres. Maging ang mortal enemy niya sa ‘The Blood Sisters’” na si Jake Cuenca ay umamin na may crush sa kanya.

Ani Jake Cuenca sa Instagram post, “The challenge was to be bad to her when in reality you’re actually crushing on her so bad. It is definitely a pleasure to work with @erichgg thank you @dreamscapeph for ma­king this happen. Don’t miss our finale week of @thebloodsistersabscbn.”

Nagkomento naman ang aktres sa post niya. Aniya, “Lol Cuenca!!! great working with you!”

Todo kilig naman ang mga netizen sa katamisan ni Jake Cuenca.

@neliavallesquina, “Ohh my goshhh kilig much.”
@cecilvelos24, “Ang galing2 nyong dalawa @erichgg @juancarloscuenca sana mkita nmin kau mgkasama sa nxt project nyo.”