Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jalalon, esmi nagdiwang ng anibersaryo

0 652

Kinalimutan muna ni Philippine Basketball Association (PBA) star Jiovani ‘Jio’ Jalalon ang bagong kinagigiliwang cycling sa pag-asikaso sa may importanteng pagbibigay kasiyahan sa kanyang pamilya sa selebrasyon sa kanilang unang anibersaryo ng misis.

“Happy 1st Wedding Anniversary Mahal ko. Thank you for being the best mom to our kids. ‍‍Sana hindi ka magsawa alagaan kami. I love you forever mahal ko,” litanya ni Jalalon sa Instagram niyang jalalon6.

Kasama ang dalawang anak, masayang nagpakuha ng litrato ang pamilya na may kasamang mga rosas sa mesa kasama at mga nakapaglalaway na cake. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.