Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jalalon nag-sorry sa mga kakampi

0 36

Ilang oras bago sumabak ang Magnolia Hotshots sa una nitong laro sa PBA Philippine Cup Sabado kontra Phoenix Super LPG Fuel Masters ay ibinalik nito ang kontrobersiyal na si Jio Jalalon matapos na lumampas na ang suspensiyon sa playmaker.

Sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero na nagsisi na sa kanyang mga pagkakamali ang nasabing manlalaro.

Namultahan si Jalalon ng P75,000 at pinatawan ng walang bayad habang nasa suspensiyon na limang araw mula sa liga at limang araw sa Magnolia dahil sa paglabag nito sa PBA mandated health protocols.

Ipinaalam ni Victolero na humingi ng pasensiya ang limang taong playmaker sa management at maging sa team.

“Nagsisisi naman ‘yung bata. Humingi ng sorry sa buong team, and sabi niya hindi na mauulit,” sabi ng dating Coach of the Year sa pakikipag-usap kay Jalalon.

“Pero sabi ko sa kanya much better kung gagawin niya’ yung sinasabi niya, kasi kapag naulit na naman ‘yan mas malaking fine na.”

Ikalawang pagkakataon sa nakalipas na dalawang taon na nahuli si Jalalon sa paglalaro sa ‘ligang labas.’

Una itong nahuli sa paglabag sa kautusan ng liga sa unsanctioned tournament noong Pebrero 2020 bago lumabas ang pandemic na nagdulot dito ng isang linggo na suspensiyon na wala ding bayad. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.