Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jalen excited kakampi si Kai

0 181

Paniguradong gagawa ng ingay ang tambalan nina Pinoy prodigy Jalen Green at Kai Sotto sa oras na magsimula na ang 19th NBA G League 2020 sa USA.

Magkakampi ang dalawa sa binubuong koponan ng developmental program ng NBA, kung saan magiging kasangga rin ng dalawa ang iba pang young prospect na pangarap makatungtong sa pinakamalaking liga sa mundo.

SM food to go Banner Ad

At ayon kahapon kay Fil-Am Green, hindi na siya makapaghintay para makasama sa court si ‘Kaiju’.

“I’m looking forward to it. Kai’s a great player. I think he can be good and we’ll be really great together. Other than that, we got to represent the Philippines so it’s gonna be exciting,” saad ng project top pick sa 2021 NBA Draft.

Dati nang nagkita sa hardcourt ang dalawa para sa NBTC National Finals sa ‘Pinas, ngunit naging mortal na magkalaban ang dalawa kung saan giniba ni Green si Kai nang maglaro para sa FilAm Sports. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.