Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jamaican Food sa Kissimmee

0 79

Sa Amerika, halo-halo ang ethnicity o pinagmulang lahi ng mga mamamayan. Lalo na kapag napunta ka sa Florida, ang Sunshine State ng Amerika, akala mo ay nasa iba’t ibang panig ka ng mundo dahil magkakaibang lahi ang nandito.

Kaya naman iba-iba rin ang pagkaing nandito. Ang isa sa mga nasubukan ko ay ang Jamaican food sa Vine Street, Kissimmee, Florida.

Mura at masarap ang kanilang pagkain. Sinubukan ko ang kanilang Cow Foot Soup at Jamaican Beef Patty.

Pinakuluang bahagi ng paa ng baka na may carrots, yellow corn, patatas at gabi ang sabaw na ito. Wala kang makukuha sa paa kung hindi ang kaunting taba at balat. Pero malinamnam at manamis-namis naman siya, at pinapalapot ng kaunti ng gabi.

Nagustuhan ko ang kanilang Jamaican beef patty na nakakapaso sa init. Mayroon din silang patty na ang palaman ay manok, gulay at seafood. Medyo malutong ang crust ng tinapay.

Ang Jamaican patty ay nagmula sa English Cornish Pastry. Ginaya ng mga Jamaicans nang i-colonize sila ng mga British. Kahalintulad din ito ng empanada ng mga Espanyol.

Ang palaman ng Jamaican patty ay puwedeng karne ng baka, manok, hipon, gulay o soya. Masarap kapag mainit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.