Abante Tonite Interactive

Jameela Jamil ginisa si Khloe Kardashian

0 271

Ginisa ng British actress-model na si Jameela Jamil ang bagong raket ni Khloe Kardashian. Naaliw naman ang mga netizen sa lakas ng loob ni Jameela na punahin ang aktres sa social media.

Nag-post kasi si Khloe ng bagong produktong pampapayat sa kanyang Instagram at Twitter. Nangako pa siya na sulit ang produktong iniendorso niya.

Ni-repost naman ito ni Jameela sa kanyang Twitter account at marami ang naloka sa caption niya. Sey niya, “Blah blah blah eating disorder culture blah blah.”

Hindi pa siya nakontento at ipinost pa niya ang retweet niya sa post ni Khloe sa kanyang Instagram.

“IS SHE POOR,” caption niya sa Instagram. Direktang pagtira ito sa bank account ni Khloe Kardashian dahil sa pag-promote ng isang slimming drink para umano sa tseke.

Pinalakpakan naman siya ng mga netizen sa pagiging vocal sa kanyang opinyon. Maging ang mga netizen din umano ay hinding-hindi magpo-promote ng ganoong produkto kung sakaling mayaman naman na sila.

Sey ng isang netizen, “She doesn’t have enough millions. She has to sell laxitives to women in order to support her one child. This is her main source of income, you see.”

Hindi ito ang unang beses na ginisa ni Jameela ang isang Kardashian. Matindi kasi ang pagsulong niya sa awareness sa eating disorders, female empowerment at body positivity. Sa katunayan ay biggest fan niya ang iconic singer na si Taylor Swift. (Rona Ronda)