Abante Tonite Interactive

James 4 ang katapat Cavs versus Warriors IV

By
2,568

Heto na ang Round 4 ng Golden State-Cleveland sa NBA Finals. Pang-apat na sunod, 2-1 ang tally pabor sa Warriors.

Stephen Curry vs. LeBron James. Kevin Durant vs. LeBron James. Klay Thompson vs. LeBron James. Draymond Green vs. LeBron James. Apat na All-Stars ng Golden State laban sa solo-katawan na si James, mag-isang binalikat ang Cavaliers para itawid sa pitong laro kontra Boston sa East finals.

Sa kabilang bench ang best team ng henerasyon, sa kabila ang best player ng planeta ngayon.

Abante Hiring – IT dep

Nasa pangwalong sunod na championship appearance si James, pero mukhang mag-isa na naman. Nasa ilalim ng concussion protocol ang pinakamatikas na sidekick niyang si Kevin Love matapos una-ulong makipagsalpukan kay Jayson Tatum ng Celtics sa Game 6.

Parehong nasagad ang magkatunggali, sa Game 7 din sinipa ng defending champion Warriors ang Cleveland 101-92 Lunes ng gabi.

Huwebes sa Oakland ang Game 1.

Sa 2016 series ay naagaw ni LeBron ang korona ng Warriors, pero binawi din ng Golden State noong isang taon.

Injured din ang isa pang pamato ng Warriors na si dating NBA Finals MVP Andre Iguodala (bone bruise sa paa).

“You’ve got to appreciate the moment,” giit ni Stephen Curry matapos sipain ang Houston. “Somebody asked, ‘Four years in a row getting to the finals, do you appreciate it?’ Yes.”

Parehong sa road sinikwat ng Cavs at Warriors ang Game 7.

“One of the most challenging seasons I’ve had,” pakli ni James, 33, halimaw pa rin ang laro sa kanyang 15th season.

Naka-100 games si James sa buong season hanggang playoffs, walang palya bawat gabi.

Game na.