Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James aastang broadcaster

0 97

Hindi lang ang mismong 2021 NBA All-Star Game at bilang captain ng kanyang team ang pagkakaabalahan ni LeBron James sa Atlanta.

Ibabahagi rin ng Lakers superstar ang opinion niya tungkol sa eleksiyon sa US, bagama’t katatatapos lang ng halalan, may bago nang presidente, at matagal pa ang kasunod.

May 51-second ad si James na i-e-ere sa mismong araw ng Game ngayon.

SM food to go Banner Ad

“Look what we made happen, what our voices made possible,” ani James sa commercial. “And now, look what they’re trying to do to silence us, using every trick in the book and attacking democracy itself. Because they saw what we’re capable of, and they fear it.”

Isa si LeBron sa organizers ng More Than A Vote na layong tapusin ang ‘Black voter suppression’. Sinasabing malaking papel ang ginampanan ng organisasyon sa resulta ng 2020 elections, nakahatak ng maraming botante.

Sa All-Star commercial, ihahayag ng More Than A Vote ang plataporma ngayong 2021. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.