Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, anak mag-aabot sa laro

0 268

Sa December 30 ay 36 na si LeBron James, kung masusunod ang bago niyang kontrata ay maglalaro pa rin siya sa Los Angeles Lakers pagtuntong ng 38.

Kinumpirma ni agent Rich Paul na pumirma ang alaga ng two-year, $85M (P4B) contract extension.

Pagdating ng 2022-23 season, magiging 20 years na sa NBA si LeBron sapul nang hugutin bilang top pick ng Cleveland mula high school. Naka-11 seasons siya sa Cavaliers sa dalawang termino, apat sa Miami at sa bagong kontrata ay makaka-lima sa Lakers.

Ga-graduate sa high school ang panganay niyang anak na si Bronny, 16, sa 2023.

Ang pamatay na tanong: Mag-abot kaya ang mag-ama sa NBA?

Posibleng mangyari kung gagayahin ni Bronny ang ama na diretso NBA pagkatapos ng high school.

2019-20 Finals MVP si James nang giyahan ang Lakers sa 17th championship laban sa Heat na kinalos nila sa anim na laro sa Orlando bubble nitong October. Nag-average siya ng 25.3 points at league-leading 10.2 assists per game sa nagdaang season.

Tatanggap ng $39.2M si James sa 2020-21, $41.1M sa 2021-22 at $44.4M sa 2022-23. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.