Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James damay sa pagkatalo ni Nadine vs Viva

0 229

NI: ARCHIE LIAO

Sinasabi ng korte na tanging ang Viva lamang ang may karapatang mag-maniobra ng karera ng dalaga.

Nakasaad din dito na hindi puwedeng tumanggap ang aktres ng ibang trabaho kung walang consent ng kanyang management.

Dahil dito, maraming kibitzers ang nagtatanong ano na raw kaya ang mangyayari sa kontrata o collaboration ni Nadine sa kanyang ex na si James Reid? Ito’y sa Careless Music Manila na namamahala ng singing career ng una.

Saklaw ba sa kontrata ng Viva ang singing career ng dalaga? Matatandaan na nagsimula si Nadine sa Viva Records bilang miyembro ng Pop Girls.

Ang Careless ay isang record label na itinayo ni Reid kasama ang dating PBB housemate na si Bret Jackson.

Bukod kay Nadine, kasama sa roster of artists nito sina Reid, Jackson, Curtismith, ang Pinoy Ghanaian rapper na si Massiah at trap artist na Astro Kidd.

Leave A Reply

Your email address will not be published.