Abante Tonite Interactive

James at Nadine tinarayan ng fan

By
2,610

Mismong sariling mga tagahanga nina James Reid at Nadine Lustre ay bina-bash sila.

Nagsasalita ang mga ito nang laban sa kanila. Kaya naman sa kanyang Instagram story, tinawag ni Nadine ang mga ito na fake fans, at wala raw room ang mga ito sa social media account nila ng boyfriend at ka-loveteam na si James.

Sabi ni Nadine, “To all the confused/Hot and Cold/fake fans, here’s the door. We don’t need your bs here.”
Gayunman, nag-shout out si Nadine para sa solid fans nila ni James, na laging nandiyan para sa kanila, through thick and thin.

“To all of our real supporters, we appreciate you all. Thank you for showing nothing but love and positivity, not only to this fandom, but the others as well.”

Ano kaya ang masasabi ng ilang mga tagahanga nina James at Nadine na tinawag ng huli na fake fans?