Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James Athlete of the Year

0 66

Kinilala bilang Male Athlete of the Year ng Associated Press (AP) ngayong 2020 si National Baketball Association (NBA) superstar LeBron James para sa kanyang mga nakamit sa loob at labas ng hard court.

Ito ang ikaapat na beses na napagwagian ng 35-year-old, 6-foot-9 forward ang award para mapantayan ang record nina cyclist Lance Armstrong at golfer Tiger Woods.

Pinamunuan ng Los Angeles Lakers stalwart ang koponan sa NBA championship nitong October at naging aktibo sa pagsulong ng kampanya ng Black Lives Matter.

Para sa nasabing parangal, nakalikom si James ng 78 points mula sa botohan na inorganisa ng 35 AP customers at editors.

Sumunod sa talaan ng award si National Football League (NFL) quarterback Patrick Mahomes at Formula 1 (F1) racer Lewis Hamilton.

Kakatalaga lang din kay James bilang 2020 Sports Illustrated Sportsmen of the Year at isa sa limang 2020 Sportspersons of the Year ng nasabi ring magasin nitong December 7, at 2020 Time Magazine Athlete of the Year nitong Dec. 10.

Ang kampeonato sa Lakers ang ikaapat na ni James kagaya ng Finals MVP niya, singdami ng season MVP trophies niya na rin sa ika-19 na taon na niya sa liga. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.