Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James bagong manager: Liza niligwak si Ogie

0 271

Si James Reid na ang manager ni Liza Soberano at out na si Ogie Diaz.

Kinumpirma ito mismo ni Ogie sa kanyang YouTube vlog na in-upload kahapon na may titulong “James Reid, Bagong Manager ni Liza Soberano, Ogie Diaz, Out Na.”

Simula ni Ogie, marami na nga rin daw ang nagtatanong sa kanya kung siya pa rin ba ang manager ni Liza matapos sunod-sunod ang paglabas ng mga larawan ng aktres na kasama si James sa USA.

“Marami na rin ang tumatawag sa akin kung si Liza ba ay under my management pa rin at ‘pag may nagi-inquire sa akin, bakit ipinapasa ko sa iba.

“Unang-una sa lahat, technically, legally speaking, ako pa rin po ang manager ni Liza Soberano hanggang May 31, 2022,” pagkumpirma ni Ogie.

“Yes, 11 years po kaming nagsama ni Liza bilang mag-ama at bilang manager-talent,” dagdag niya.

Inamin ni Ogie na bago ang hiwalayan ay nag-offer naman siya ng contract renewal kay Liza. Tinanong niya ang aktres kung gusto pa nitong mag-renew sa kanya at ang sabi raw nito ay pag-iisipan muna.

“Pero nag-decide si Liza na hindi na mag-renew thru long viber message,” aniya.

Magalang naman daw si Liza na nagpaalam at maluwag naman daw sa dibdib niya itong tinanggap dahil napakahaba ng pinagsamahan nila at hindi ito nagtatapos sa pagiging talent at manager lang.

“So ‘yun nga, kasama do’n sa kanyang mensahe sa akin na gusto niyang mag-try sa Hollywood. At siyempre, eh hindi naman ako ‘yung tipong alam ko rin hanggang Hollywood. Kumbaga hanggang dito lang ang kaalaman ko bilang manager,” he said.

Ayon kay Ogie, hindi na raw masama ang 11 years na pagsasama nila ni Liza at napakalaki raw ng utang na loob niya sa aktres dahil ang mga kinita niya bilang manager nito ay ginamit niya sa pagpapagamot ng kanyang anak na si Miracle.

SM food to go Banner Ad

“Timing na timing ang pagdating ni Liza sa buhay ko. In fairness sa bata, very grateful din siya, very thankful din siya sa akin dahil siyempre kumbaga eh magkatuwang naming binuo ang kanyang pangalan at dun eh happy na ako,” he said.

Nagkausap na nga sila ni Liza sa isang photoshoot at naging maayos daw ang kanilang usapan. Basta ang binitiwan daw niyang salita sa aktres ay lagi siyang nandito for her.

“So, ‘yun, tapos ang usapan at magkaibigan kami ni Liza,” aniya.

When asked kung si Liza na nga ba ang magma-manage ng kanyang sariling career, ani Ogie, “I think, not at this time. Kasi nun’g una, ‘yung ang sinabi niya sa akin. Pero ipinakilala na niya sa amin ang bagong team na hahawak ng kanyang career.”

Dito na nga niya sinabi na ang team na ni James Reid ang bagong magma-manage sa career ni Liza dito sa Pinas at sa USA since gusto nga ng aktres na subukan ang Holywood.

“Hindi lang din naman si James Reid ang nagha-handle kay Liza, kungdi ‘yung team ni James Reid. Nagkataon lang na sa lahat ng mga kontrata ni Liza, ang signatory na ay si James Reid,” aniya.

Sa ngayon ay nasa transition period daw ang team niya at team ni James hinggil sa pagma-manage kay Liza.

“Nag-uusap naman ang aking road manager for Liza saka ‘yung management ni Liza doon. Pero ‘yung pag-uusap ng harapan, hindi pa, hindi pa kami nag-uusap ni James Reid o itong team niya du’n sa para pormal na i-turn-over si Liza sa kanila,” pagbabahagi pa ni Ogie.

Nang tanungin siya kung hindi ba siya na-hurt sa hindi pagre-renew ni Liza sa kanya, ani Ogie, “ay mamatay, wala, wala. Kasi di ba, ganu’n nga akong tao? ‘Pag ang isang tao, gusto ng growth at feeling niya, magkakaroon siya ng growth sa iba at feeling niya, mas sasaya siya sa iba, ibinibigay ko.”

Proud naman si Ogie na naghiwalay sila ni Liza na may nangyari sa career ng aktres tulad din ni Vice Ganda.

“Naghiwalay kami ni Vice Ganda na Vice Ganda na siya. Ito naman, naghiwalay kami na Liza Soberano na siya. Siguro, mas insulto, Loi, kung ‘yung talent, lumayas sa manager kasi talagang wala pang nangyayari sa career niya hanggang ngayon,” aniya.

Ipinahayag din ni Ogie na masaya siya for Liza sa bagong landas na tatahakin nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.