Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James ayaw na ka-tandem si Nancy

0 119

ROMMEL PLACENTE: Mga ka-Cuatros, hindi na pala matutuloy si James Reid sa seryeng The Soulmate Project na pagsasamahan sana nila ni Nancy Macdonie ng Momoland. Si James mismo ang nagkumpirma nito.

Sa isang video clip na ipinost ng isang JaDine fan sa IG na pinamagatang Hangout With James Reid,na ipinalabas sa Kumu channel ng TaxWhizPH, dito napag-alaman na hindi na nga magiging bahagi ng nasabing serye ang aktor.

Sabi niya,“Soulmate. I won’t be doing Soulmate,”

Hindi naman nagbigay ng explanation ang aktor kung bakit hindi siya matutuloy dito.

Actually, may mga sabi-sabi na noon na nag-aalinlangan si James na gawin ang serye.At ang ang dahilan ay si Nadine Lustre na girlfriend at ka-loveteam niya. Sinaway rin ni James ang mga fan na tinatawag ang tandem nila ni Nancy na JaNcy.

Ayon sa kanya, isa lang ang love team niya at iyon ay ang JaDine.

So, hindi kaya ang dahilan ng pagtanggi ni James sa TSP ay may kinalalaman kay Nadine o sa loveteam nila? Na baka ayaw lang ng binata na madikit kay Nancy at ang gusto niya ay kay Nadine lang.

Ano nga kaya ang tunay na dahilan at ayaw na ngang gawin ni James ang TSP? Sana naisip niya na kailangan pa rin niya ng isang regular show.Na dapat ay napapaood pa rin siya ng kanyang mga tagahanga,’di ba?

RODEL FERNANDO: Itong pandemic ang itinuturong dahilan kung bakit hindi matuloy – tuloy ang The Soulmate Project. Kinakailangan daw kasi na maraming tao ang involve. Dahil sa pandemya, malilimitahan nga naman ang nasa production maski ang mga nasa cast at mga extra na kukunin. Pero sana matuloy pa rin lalo pa’t marami ang nagsasabi na napag-iiwanan na si James Reid ngayon ng kanyang mga kaliga.

SM food to go Banner Ad

Sa true lang mga ka-Cuatros para ngang hindi ramdam ang presensiya niya ngayon sa showbiz. Kahit nagsara man ang ABS-CBN ay dapat may pelikula man lang sana siya para sa kanyang mga tagasuporta at nagmamahal sa kanya. O baka dahil totoo ang tsismis na tumatanggi raw siya sa mga project na inaalok sa kanya?

Anyway, baka ini-enjoy pa ng binata ang balita na muli raw silang magkasama ngayon ni Nadine Lustre. Ayon sa tsika ay nagkabalikan na raw sila. Sa bagay na ito ay wala naman tayong paki pero sana asikasuhin niya ang kanyang career. Aba naman, maski ang loveteam nila ni Nadine ay napag-iwanan na. Dapat kumilos na sila hanggat hindi pa huli ang lahat. For sure, andiyan pa rin naman ang JaDinde fans at naghihintay lang.

MILDRED BACUD: Hindi naman ito ang unang pagkakataon na napabalitang hindi na nga matutuloy ang The Soulmate Project nina James at Nancy. Marami nga ang nanghihinayang dahil kahit pa marami ang JaDine fans, aminin natin may mga excited din sa bagong tambalan sana ng dalawa. Bago kasi at bagay rin sila. May chemistry agad. Parehong maganda ang mga mukha Masarap silang panoorin. Pero ganun talaga, sa showbiz gasgas na ngang sabihin hangga’t di pa gumigiling ang kamera ay ‘wag muna pakasisiguro.

Pero sa kasong ito nga na malaki na ang ginastos sa pre-prod ay hindi pa rin natuloy. Si James ang umayaw, may rason siguro pero sana pinag-isipan din mabuti. Malaking comeback sana ito sa kanya. Sa akin lang ha, matagal nang natapos ang JaDine . ‘Wag na umasa ang mga fan na mapapanood pa nila ang paborito nilang loveteam sa isang project anytime soon. Ayusin muna ni Nadine ang kontrata niya sa Viva. Hangga’t hindi ito naaayos ay mahihirapan siya gumawa ng proyekto outside Viva dahil sa breach of contract issue. As for James, kung anong project ibigay sa kanya ng Dos, ‘wag siya mag-alinlangan. Hindi naman siya bibigyan ng proyektong hindi makakatulong sa kanyang career.

ROLDAN CASTRO: Sa totoo lang gusto ko si James. Ang sarap panoorin ang kaguwapuhan niya sa screen at nakakaarte naman.
Nakaka-miss na nga sila ni Nadine na nagpapakilig sa screen.

Importanteng maging aktibo na silang muli at makitang umaarte.

Tandaan nila, maraming baguhan na nagsusulputan at nabibigyan ng break. Baka magising sila na may bago nang pinagkakaguluhan at napalitan na sila.
Tsuk!

Leave A Reply

Your email address will not be published.