Abante Tonite Interactive

James ‘bitin’ sa Lakers

By
805

Kung si LeBron James ang masusunod, gusto niyang habaan pa ang minuto niya sa court.

Pero sakto lang sa kanya kung sabihin ng coach na ipapahinga muna siya.

Sumalang si James sa unang laro ng kanyang 16th season nang dayuhin ng Los Angeles Lakers ang Portland Trail Blazers Huwebes ng gabi sa season-opener ng dalawang teams.

“I’m always fresh,” giit ng three-time champion sa shootaround umaga bago ang laro. “All my coaches want to figure out a way of how to lessen my minutes. I keep telling them I’m strong enough to play most minutes, but they won’t listen to me, so, it’s OK. I like it.”

Kamakailan, sinabi ni Lakers coach Luke Walton na bibigyan niya ng “reasonable” minutes ang bagong star ngayong season.

Noong isang taon, una sa liga ang 36.9 mi­nutes per game ni James.

Kontra Blazers, nag-log in siya ng 37, nagsumite ng 26 points, 12 rebounds at 6 assists sa 128-119 Lakers loss.

Mag-34 na si LeBron sa December, tinipid ang laro sa preseason, pero napuna ni Walton na hindi pa umaalog ang tuhod nito.

“I told him … that his legs seem to be getting younger as training camp goes on,” anang coach. “It normally works the other way. But he’s jumping higher, he’s moving quicker the more we get out there and play.”
Naekisan na ang unang­ laro, may 81 pa sa regular season. Mahaba-haba pa para kay LeBron.