Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Butler rarampa sa Pasko

0 128

Puno ang Christmas Day slate ng NBA, pangatlong araw ng shortened 2020-21 season.

Dahil kakaumpisa lang ng season, mas malamang na wala pang injuries.

Sasalang ang Miami at Los Angeles pero hindi rematch ng nakaraang Finals. Bisita ni Bam Adebayo at Heat si Zion Williamson at Pelicans, samantalang dadayuhin ni Luka Doncic at ng Mavericks si LeBron James at ang Lakers.

SM food to go Banner Ad

Sa inilabas na schedule ng NBA, iho-host ni Giannis Antetokounmpo at ng Milwaukee si Stephen Curry, Draymond Green at ang Golden State. Walang Klay Thompson ang Warriors na iginupo ng Achilles injury at out na sa buong season – pangalawang sunod na taon niyang pagkagarahe matapos gugulin din ang buong 2019-20 sa pagpapagaling mula knee surgery.

Buo ang tandem nina Kyrie Irving at Kevin Durant kapag dumayo ang Brooklyn sa Boston. Sa Celtics galing si Irving, bilang ang laro noong nakaraan dahil sa injuries. Ngayon lang babalik si Durant matapos ang buong season na rehab ng Achilles injury.

Grudge match ang dayo nina Kawhi Leonard, Paul George at Clippers sa Denver. Sasalubungin sila nina Nikola Jokic at Jamal Murray, bumandera sa Nuggets nang sipain sa second round ng West playoffs ang super-liyamadong Clippers. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.