Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James chillax bago ang training camp

0 62

Chill-chill lang muna si LeBron James sa huling mga linggo bago umpisahan ng Los Angeles Lakers ang training camp para paghandaan ang 2021-22 NBA season.

Nakita sa Italy si LeBron, kasama ni music legend Elton John.

Pasakay ng yate sa Ischia, Italy – mukhang may cruise – si LeBron, hindi siya nakapagtago sa fans.

Hawak ng Lakers star ang kamay ng asawa, naka-mask pero nakababa sa baba.

Hinarana siya ng fans, tumugon din si James nang ibomba ang kamao sabay sa kanta.

Mula sa video ng Bleacher Report, dinig ang sabay-sabay na awit ng marami-rami ring fans:

“Ole, Ole, Ole, Ole, LeBron, LeBron!”

Nagbalasa ang Lakers nitong offseason, paborito na muling habulin ang 18th NBA banner.

Kinuha sina Russell Westbrook, Carmelo Anthony, binalik sina Dwight Howard, Rajon Rondo, papunta rin sa LA si DeAndre Jordan. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.