Abante Tonite Interactive

James, Daniel may namumuong bromance

736

Marami ang nagulat at siyempre pa, naaliw matapos mapanood ang isang short and sweet video clip kung saan magkasama sina James Reid at Daniel na chilling, clubbing at hanging out.

‘Wag masyadong mapaglaro ang mga imahinasyon, mga kapwa ko diwata, walang nangyaring eskrimahan, mas lalong walang barebacking at flip flopping. Huwag masyadong pang-Sean Cody ang mga ilusyon. Charot!

Sa nasabing clip, si Reid pilit hinihila si Padilla sa dance floor para sumayaw at humataw with their friends. Ito namang si Daniel, kitang-kita na ill-at-ease na gumitna sa sayawan at ipakita ang kanyang mga dance move, kung meron. Sa bandang huli, hindi rin napilit ang young superstar.

Ang panalo sa bidyo na ito, bongga na magkasundo pala ang sinasabing “magkaribal” sa karera. Na they can be together in one space, party-party and have a great time.

Ang mas nakakadagdag bongga pa lalo, ang mga respective significant other nila, si Kathryn Bernardo para kay Daniel at si Nadine Lustre para kay Reid, ay nowhere in sight sa video. Ang dalawang babaeng minamahal sila, kung di nga nila kasama, may tiwala sa kanilang mga kasintahan at alam nilang Padilla is in good hands with James and vice versa.

Sina James at Daniel na ba ang mag-bagong best friend na sooner or later, bordering in a bromance ala-Luis Manzano at Billy Crawford, Ogie Alcasid at Michael V o kaya Marc Nelson at Rovilson Fernandez?

Progressive development, right? May comment kaya dito si Ivan Dorschner na dating ka-bromance ni Reid?

Ay, ‘wag na isama si Dorschner sa equation kasi nga, finality the WHO na siya. Charot! Hahahaha!

Maine sinundo ni Arjo sa airport

Ang Philippine Sweetheart, si Maine Mendoza na nga ba ang bukod tanging babaeng pinagpala sa lahat?

Bakit kaniyo? Aba, kahit super underperforming ang pinagsamahan nilang pelikula ni Carlo Aquino, ang “Isa Pa With Feelings”, umaariba at palong-palong pa rin ang kanyang karera, huh.

Glammed up kung glammed up siya sa kanyang bagong commercial para sa isang fast food joint, check. Wagi siya bilang best comedy actress na ang nagbigay ang prestihiyosong award-giving body, ang Star Awards mula sa PMPC. At higit sa lahat, ang biggest personal trophy niya, ang katotohanang ang kanyang beloved na si Arjo Atayde, despite his busy schedule, talagang palaging may panahong inilalaan para sa dalagang Bulakenya, huh!

Kamakailan, sighted ang “Bagman” lead star na sinundo pa si Mendoza sa airport matapos ang kanyang iniirog ay manggaling sa Dubai. May prior schedule raw ang actor pero nagawa pa rin nitong ayusin ito para gawin ang kanyang kasintahan duty.

How gentlemanly of Arjo, indeed! How sweet! Mahal niya talaga ang nag-iisang Menggay na tila ukit na ukit na sa kanyang puso. Super kilig, hindi ba naman! Manalig na ba tayo na hindi lang basta minamahal ni Atayde si Nicomaine, may chance na nga kayang sinasamba na niya ito?

Well, kung ang diva that you love, too much ang assumption, bawal ba? Ang sarap mapagtanto na may relatively young lovers na tulad nina Mendoza at Arjo na all out ang pagpapakita sa lahat na mahal nila ang isa’t isa.

Kaya Maine, huwag masyadong magpahara-hara sa kung saan at baka ikaw ay magurlisan dahil nga iba ang kariktan mo ngayon, ning.