Abante Tonite Interactive

James, Davis nagsama sa isang kuwadra

2,041

Magkasama na sa iisang kuwadra sina LeBron James at Anthony Davis, pero malayo pa – kung may posibilidad man – na magsasama rin sa iisang team.

Pumirma ang New Orleans Pelicans All-Star center sa Klutch Sports ni Rich Paul, ang agent din ni LeBron.

Babalik ng Pelicans si Davis, aayu­sin lang ni Paul ang papeles para maikasa ang bago niyang kontrata. Si LeBron, siyempre, ay nasa Los Angeles Lakers na.

Dadalhin daw ni Davis sa ibang level ang Pelicans ngayong season.

“My focus is to win, to come in every day and do all I can to help this organization,” ani Davis sa ESPN. “While establishing myself as the best player of the floor every night.”

May welcome message pa si LeBron (@KingJames) sa Twitter para sa bago niyang kakuwadra: “Welcome to the Family @AntDavis!!!!!”
Sinabi rin ni Paul na hindi ibig sabihing magpapalit na ng team si Davis ngayong nag-switch ng agent. Higit 20 NBA players ang nasa Klutch.

Puwedeng pumirma si Davis ng five-year $235 million extension sa Pelicans sa susunod na taon, pero puwede na ring maging unrestricted free agent sa 2020. Noong nakaraang season ay nag-average si Davis ng 28.1 points, 11.1 rebounds at 2.6 blocks per game.