Abante Tonite Interactive

James, Davis pa-wow agad sa Lakers

0 308

Kabado si LeBron James sa unang laro niya makalipas ang halos anim na buwan.

Pasiklab naman si Anthony Davis sa first official outing niya bilang Lakers.

Pero kinakitaan ng magandang chemistry ang dalawa sa una nilang pagtatambal sa Los Angeles na nagresulta sa 123-101 win ng Lakers kontra Golden State sa preseason game Sabado ng gabi – unang laro ng Warriors sa bago nilang arena na Chase Center sa San Francisco.

Sa first 12 minutes lang, nagsalansan na si Davis ng 17 points at 7 rebounds, may limang dunks.

Walang naisagot ang Warriors kay Davis, tumapos ng 22 points at 10 rebounds.

Napagsarhan sa playoffs ang Lakers noong nakaraang season, at sa unang pagkakataon sapul noong 2005 ay wala si James sa postseason. Naka-55 games lang siya nitong 2018-19 dahil sa groin injury na kinailangan niyang ipahinga ng isang buwan.

“I had some jitters tonight,” pag-amin ni James. “I had some butterflies in my stomach, just straight up excitement and also a little bit of nervousness too. I was hurt in the Bay when I was at full strength. It was great to get back out there and have a lot of fun.”

Kinakabahan pero tumapos si James ng 15 points sa loob ng 17 minutes, 5 of 10 mula sa field. (VE)