Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Davis poposasan : Heat hihirit

0 125

Kita na ang dibidendo ng pagsasama nina LeBron James at Anthony Davis.

Hindi matibag ang Lakers sa NBA Finals kapag sabay na nasa loob ang dalawa.

Sa 124-114 win ng Los Angeles na naglubog sa Miami sa 2-0, pinaglaruan ni LeBron ang triple-double sa 33 points, 9 rebounds at 9 assists. May 32 markers at 14 boards si Davis.

Problemang malaki ng Heat kung paano pipigilan ang two-headed monster ng LA.

Dominado na nina LeBron at AD ang laro, parang bumalik ang kapanahunan ng pinakamaaangas na tandems sa Los Angeles – Magic Johnson at Kareem Abdul-Jabbar noong 1980s, Kobe Bryant at Shaquille O’Neal noong 2000s.

Panahon nina Shaq at Kobe nang lumamang 2-0 ang Lakers sa Finals – kontra Nets noong 2002. Tinapos ng Los Angeles ang series na ‘yun sa sweep.

‘Yun din ang huling taon na umiskor ng 30+points ang dalawang Lakers teammates sa isang NBA Finals game. Bago dinuplika nina Davis at James nitong Biyernes.

“He’s Kobe because he handles the ball, and I’m Shaq because I play the post,” biro ni Davis.

“They were very dominant in what they did on the floor, on both sides of the floor,” pakli ni James. “So to be in the conversation with those two guys, myself and AD, is just very humbling because I know I grew up watching those guys.”

Dalawang panalo pa umpisa sa Game 3 ngayon, magkakaroon na rin ng ring sina LeBron at AD. Parang Shaq at Kobe, Magic at Kareem. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.