Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Davis sapat na kontra Pelicans

0 292

Nilampaso ng Lakers ang New Orleans Pelicans sa season 4-0.

Hindi na nga halos nagpupursige si LeBron James sa Lakers, ipinaubaya kay Anthony Davis ang pananalasa. Sa tatlong laro kontra nilayasang team, nag-average si Davis ng 36 points at 12 rebounds.

Sa final meeting na nagamit na ng Pelicans si super rookie Zion Williamson, hindi naglaro si Davis. Pero si LeBron naman ang nagpasabog ng triple-double na 34-12-13.

Nakikipag-agawan ang New Orleans sa final slot ng playoffs sa Western Conference, kapag nakuha ay toka nila ang Lakers sa postseason.

Sa NBA restart sa Orlando sa July 30, remaining schedule ng Pelicans ang Jazz, Clippers, Grizzlies, Kings, Wizards, Spurs, Kings ulit, at Magic.

Ginugol ni Williamson ang lockdown para magbawas ng taba, inaasahang mas maliksi at mas matibay sa restart. May Lonzo Ball, Jrue Holiday at Brandon Ingram din ang Pelicans na puwedeng isabay sa Lakers.

Siyempre pa, si Williamson ang counter-punch kay LeBron. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.