Abante Tonite Interactive

James ‘di aaswangin ni Sarah

By
3,409

Bago pa man napili si Liza Soberano na gu­ma­nap bilang Darna, vocal na si James Reid na qualified ang kanyang dyowang si Nadine Lustre sa nasabing role.

Bagama’t lumutang noon ang pangalan ng nobya, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si James na makita ito in a super hero costume kahit naligwak ito sa shortlist.

“She’s always one of the good action roles and it’s perfect for her,”hirit niya.

Abante Hiring – IT dep

“Nadine is sexy and she should be able to show it up,” pagmamalaki niya. “I know she will have her own time,” dugtong niya.

Kahit na siya ang bagong leadin­g man ni Sarah Geronimo sa Pinoy adaptation ng Korean movie na ‘Miss Granny’, hindi naman daw ibig sabihin noon na mabubuwag na ang JaDine.

“I don’t think there should be a new love team,” pakli niya.

Enjoy naman si James sa naging bakasyon nila ni Nadine sa California kung saan nagkaroon sila ng time para mag-bonding.

Ayon pa kay James, napag-uusapan daw na mag­karoon uli sila ng concert ng dyowa pero hindi pa siya sigurado kung ano ang magiging concept nito.