Abante Tonite Interactive

James ‘di binati si Kris sa Mother’s Day

594

Kanya-kanyang pagbati sa kani-kanilang mga ina at misis ang mga artista natin sa kani-kanilang social media account kahapon sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

Isa sa pinaka-touching na greetings na nabasa namin ay kay Kathryn Bernardo para sa kanyang inang si Min Bernardo.

“My mom’s not the type to simply tell us what we want to hear. She doesn’t sugarcoat life as it is. She teaches us the value of truth and discipline, and cons-tantly reminds us that if we want something in life we better work hard for it.

“Happy Mother’s Day, mama! I am who I am today because of you. Thanks for letting me grow slowly, and for never leaving me in the process especially when things get rough. We love you!” ang mensahe ni Kathryn for her mom.

Very meaningful naman ang message ni KC Concepcion para sa ina niyang si Megastar Sharon Cuneta.

“I waited all my life to reach my 30s so i could be not just the daughter but the girlfriend you’ve always wanted to have!!! So happy our relationship is blooming more & more as time goes by… been waiting a while for this!!! YOU are BEAUTIFUL! I LOVE YOU. Happy Mother’s Day to you, Mama!” caption ni KC sa larawan nila ni Shawie.

Inirepost naman ni Sharon ang pagbati ng anak at sa caption, she wrote, “these – messages/letters from my children are what I wait for every year! I love you, Tutti. I miss you so much! Thank you!!!”

Ipinost din ni Shawie ang mga letters na ibinigay sa kanya ng iba pang anak na sina Frankie, Miel and Miguel, pati na rin ang mga flowers na ipinadala nina Judy Ann Santos at Angeline Quinto.

Siyempre, hindi rin siya nakalimutang batiin ng asawa niyang si Sen. Francisco Pangilinan sa IG account nito.

Ang ganda rin ng mensahe ni Anne Curtis for her mom.

“Happy Mother’s Day to the most beautiful woman in the world to me – my mum @carmcurtissmith. I love you very much and miss you whenever we apart.

“I know you know this already, but there isn’t anything in this world I wouldn’t do for you mama.

“Thank you for being the ray of sunshine when I have gloomy days. I love you with all that I am. Happy Mother’s day to all the mama’s all over the world,” ang caption ni Anne sa larawan ng ina.

Nabasa rin namin ang pagbati ni Luis Manzano para kay Star for All Seasons Vilma Santos na taon-taon naman niya talagang ginagawa at hindi nakakalimot batiin ang ina sa mga special occasions.

Nag-post din si Ogie Alcasid ng greetings for wife, Regine Velasquez at sa kanyang ina rin.

Binigyan din ng papuri at pasasalamat ni Claudine Barretto ang kanyang inang si Estrella Barretto.

“HAPPY MOTHER’S DAY MOM!!! I thank God for u & Dad every day.thank u for never leaving my side.im so blessed to have u as my Mom.i luv u & see u tom for our date with Dad @miguelbarretto,” post ni Claudine.

Habang ang kapatid naman niyang si Gretchen Barretto ay nagpost ng pasasalamat sa anak na si Domique at sa ama nitong si Tonyboy Cojuanco.

“My piece of heaven @dominique. I Thank dada Tony for being a perfect father to our little one & to manang patty. I would not be this kind of mother if not for tony who is a hands on father & the great provider, i was blessed to be able to retire from work & be a full time mom, i experienced the joy of motherhood every step of the way.

“Today is our special day. Thank you dom , if not for you I wouldn’t feel complete, i would not be a mom,” ang post ni La Greta.

Si Yames Yap naman, ang binati ay ang current partner at ina ng dalawa niyang anak na si Michela Cazzola. No greetings (as we write this column) for Kris Aquino na ex-wife niya at ina ng anak nilang si Bimby.

“Happy Mother’s Day to the most wonderful Mother, I appreciate what you do everyday for our two beautiful children,” caption ni James sa larawan ni Michella and their two kids.

In fairness kay Ruffa Gutierrez, kahit love-hate ang relasyon nila ng inang si Annabelle Rama, hindi rin siya nakalimot na batiin ito.

Nag-post si Ruffa ng ilang linya mula sa kantang Hawak Kamay ni Yeng Constantino.

“Happy Mother’s Day Ma! I may not say it often but I love you! Thank you for all that you do for our family,” ang caption ni Ruffa sa old photo niya noong bata pa siya kasama ang ina.