Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Durant kapwa olats

0 128

Inalat sa opening day ng 76th National Basketball Association 2021-22 si James Lebron at Los Angeles Lakers, at si Kevin Durant at Brooklyn Nets sa Tate Martes (Miyerkoles sa Manila).

Hindi sapat ang double-double job nina James at Anthony Davis para sa Lakers na sorpresang tumiklop sa Golden State Warriors 114-121. Kumamada si James ng 34 points, 11 rebounds habang nagtistis si Davis ng 33 markers at 11 boards.

Nagbaon naman si Durant ng 32 pts. at 11 rebs., pero ginutay pa rin ang Nets ng defending champions Milwaukee Bucks, 104-127. May 20 puntos si James Harden para rin sa Brooklyn. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.