Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James elya pa rin kay Nadine

0 200

Malaking bagay pa ba kung saka-sakaling sa isang TV guesting, diumano itong si Nadine Lustre, hindi sinasadyang matawag na “love” ni James Reid? Ay! El na el pa rin si James kay Lustre, huh! As in love na love, sa true lang.

Dumulas lang ba ang dila ni Reid? O patotoo ito sa matandang kasabihan na ang isda, sa bibig palagiang nahuhuli? Classic example ng hard habit to break for James o sadyang pinaglaruan lang nila ang mga damdamin ng kanilang mga panatikong windang na windang at nag-walling while crying husterically sa balitang wasak na ang relasyon nila.

Kung sakaling sila pa nga talaga, bakit naman sila pumayag sa pagpapanggap na hiwalayan? Para patuloy na mapag-usapan? Para magig relevant?

Disastrous sa kanilang karera ang kanilang separasyon. Yung pelikuka ni Lustre kung saan may nakuha siyang panibagong URIAN nominasyon, flop. Yung dance movie na kasama niya si Sam Concepcion, flop pa more.

Ang pagsasamahan nina Reid at Nancy Mc Donie mula sa Korean girol group na Black Pink, ang “The Soulmate Project,” frozen delight na ba ang status ngayong wala na ang Kapamilya Network.

At masasabi ba nating prestihiyoso para kay James ang maging ambassador ng kundol, patola, upo’t kalabasa kasi nga siya ang face ng isang kagawaran?

Umalagwa ba in a major, major way ang record label that he bankrolled? At matapos ang curiosity ng supporters ni Lustre sa 50 costume changes niya para sa kantang under the label of her jowang totoo, mananalig ba tayo na magiging pop classic ang awit na ito ni Nadine?

Kaya kesa magpanggap silang magkahiwalay sila, aminin na nila ulit na sila ay together at forever is not enough na ang status of their romansa before it become too late to save whatever is left of their “love team.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alam naman natin na Nadine Lustre can stand alone kasi mahusay siyang aktres. All she needs is another box office hit and a TV ratings winner.

Aside from his good looks and body, ano pa ba ang pwedeng i-offer ni James Reid para manalig tayo sa kanyang kapasidad at kakayahan bilang aktor?

So kung “love” pa rin ni Fil-Aussie hunk ang babaing may libog sa apelyido, push na iyan! Tapos, go forth and multiply na para mas nakakawindang, huh! Echos lang! Ha!ha!ha!

Lola humingi ng saklolo kay Willie

May isang matandang ale ang humihingi ng saklolo kay Willie Revillame sa “24 Oras” at talagang ang lola, grabe ang panaghoy sa sinapit na pagkawasak ng bahay at kabuhayan dahil sa Super Typhoon Rolly.

Ang paglalambing ng lola ay tinugunan agad dahil nga muli na namang pinatunayan ni “Wowowin” host Willie Revillame ang kanyang pagiging anghel sa lupa.

Ayon sa balita, si Revillame, kasama ang kanyang staff ay pumunta sa isa sa pinaka-sinalanta ni bagyong Rolly, ang bayan ng Gigmoto sa Catanduanes at may dala silang mga kumot, gamot, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng mga napuruhan ng bagyo.

May P5M ring ibinigay si Kuya Will sa Catanduanes Governor Joseph Cua bilang karagdagang tulong sa mga residente ng Gigmoto.

Palakpakan na may kasamang hiyawan kay Willie Revillame na palagiang bukas ang puso at palad para tulungan ang mga nangangailangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.