Abante Tonite Interactive

James feeling malaya paglayas sa Viva

534

Tuloy na ang pag-alis ni James Reid sa Viva. Mananatili naman doon ang kanyang girlfriend na si Nadine Lustre.

Sa launching ng kanyang bagong endorsement, ikinuwento niya ang dahilan ng kanyang paglisan sa dating management. Mas nakakaramdam umano siya ng kalayaan ngayong wala nang magha-handle sa kanya.

Inamin din ng aktor na nakakaramdam siya ng takot sa tuwing naiisip na mag-isa na lamang siya. Wala rin kasi sa kanyang plano na magpa-handle sa ibang talent agency.

Nilinaw rin niya na wala siyang balak na lumipat ng ibang network. Sa ngayon ay nais lamang muna niya na tumutok sa kanyang record label.

Aniya, “I want to give it a chance. I want to see how far I can take my music. And I have big plans for it.”

Gayunpaman, kasama pa rin naman sa kanyang plano ang gumawa ng mga pelikula. Naghihintay lamang siya ng tamang proyekto para sumabak muli rito.

Anyway, sinisigurado ni James sa JaDine fans na ang paglisan niya sa Viva ay hindi makakaapekto sa relasyon nila ni Nadine. (Ronaline Avecilla)