Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James gagawa ng milagro kay Liza

0 237

Technically, hanggang katapusan ng Mayo na lang ang kontrata ni Liza Soberano sa talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz.

Ang kumpanya na ni James Reid ang magma-manage ng career ng aktres.

Ito rin ang dahilan kung bakit sighted silang magkasama sa iba’t-ibang okasyon sa US at hindi dahil may romantic eklabu ang dalawa.

May mga nagmamadera namang nagtataas ng kilay kung paano gagawan ng milagro ni James bilang bagong manager ni Liza ang karera ng aktres.

Kung ang Fil-Aussie nga raw ay hirap na maka-penetrate sa Hollywood, paano raw magiging posible ang himala sa kaso ni Liza.

SM food to go Banner Ad

Considering na stiff ang competition sa Hollywood, sey nila dadaan daw sa butas ng karayom ang pangarap nila to invade Hollywood.

Bagamat hindi raw naman tinatawaran ang galing ng dalawa, wala raw naman sa liga ng award-winning actors ang dalawa except of course, popular sila for having the prettiest faces in local tinseltown.

Pagtatanggol naman ng iba, huwag daw maliitin ang kakayahan ni James

Baka naman may tamang koneksyon o natatagong Midas touch pagdating sa talent management.

Leave A Reply

Your email address will not be published.