Abante Tonite Interactive

James goodbye sa lovenest nila ni Nadine

1,099

Maraming alaala para kay James Reid ang bahay niya na matatagpuan sa Loyola Grand Villas sa Quezon City.

Ang nasabing 3-storey house ang naging pugad ng kanilang pagmamahalan ng kanyang ex na si Nadine Lustre.

Kaya naman, hindi na nagtaka ang mga netizen nang malamang ibinebenta niya ang nasabing property for a whooping 85 million.

Sa post niya sa kanyang IG account, ipinakita ng Fil-Aussie actor ang exteriors at interiors ng bahay para sa mga interested buyers.

Ang mga wooden railings sa second floor at ang chandelier na nakasabit sa kisame ay favorite background ng mga photos na madalas na i-share ni Nadine sa kanyang socmed posts.

May mga unconfirmed reports na may share raw si Nadine nang bilhin ni James ang naturang property .Ito rin daw ang dahilan kaya for sale na ito dahil wala na raw namang dahilan na i-preserve pa ito ng dating Viva talent dahil hiwalay na naman ang sila ni Nadine. (Archie Liao)