Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James hiniritan ng sanib-puwersa kay Kris

0 202

Vlogger na rin ngayon ang basketball player na si James Yap.

Ito raw ang pinagkakaabalahan niya ngayon habang naka-bubble pa ang buong koponan niya sa Angeles, Pampanga.

Sa unang sabak niya sa pagva-vlog, humamig agad ito ng more than 17k subscribers.

Obvious din na medyo nangangapa pa ang player ng Rain o Shine Elasto Painters sa kanyang first attempt sa vlogging.

May mga pagkakataon kasing habang nagsasalita siya ay nakalimutan pala niya itong i-record.

Sa una niyang subok sa vlogging, ibinahagi ni James na ‘di pala muna siya nakapaglaro sa loob ng anim na buwan dahil sa tinamong injury.

Kinailangan daw muna niyang mag-recuperate.

Noong handa na ang katawan niya, sumabak daw siya sa work out to get back in shape.

Nagpapasalamat naman siya dahil okey na ang kundisyon niya ngayon.

May mga mahadera namang nang-uurot kung kailan daw kaya magiging guest ng player ang estranged wife na si Kris Aquino.

Hinihiritan nila si James na magsanib-puwersa sila ng dating misis.

Piolo inintriga sa pagkawala ni Direk Laurenti Dyogi

May ilang kibitzers na iniintriga ang pagbabalik-Kapamilya ng ultimate heartthrob na si Piolo Pascual.

Sa contract signing kasi ni Papa P. na naganap kamakailan, wala ang mga ehekutibo ng Star Magic.

Ang mga um-attend para i-welcome ang actor ay sina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal.

Wala sa nasabing contract signing ang bagong Star Magic head na si Direk Laurenti Dyogi.

Pero nandoon ang kanyang talent manager na si Lulu Romero.

Dahil sa bagong set-up na ito, marami ang nagsasabing ang loyalty ng actor ay tila nananatiling na kay Mr. M pa rin na sa kasalukuyan ay consultant ng GMA Talent Center.

Nang magsara ang ABS-CBN dahil nawalan ng prangkisa noong nakaraang taon, isa rin si Papa P. sa sumama kay Mr. M sa TV 5 para maging mainstay sa isang Sunday noontime variety show.

Sa loob ng dalawampung taon, nasa pangangalaga ng Star Magic si Papa P.

Noong ika-10 anibersaryo niya bilang Star Magic artist, nagkaroon na rin siya ng coffee table book na may pamagat na “Piolo: Believing” at nakapag-mount ng solo concert sa Araneta Coliseum.

Leave A Reply

Your email address will not be published.