Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James iba anyo sa ‘Space Jam’

0 256

Pinasilip ang bagong installment ng ‘Space Jam’ movie kung saan si NBA superstar LeBron James ng Los Angeles Lakers ang bida.

Sa naturang trailer, makikita si LeBron para sa ‘Space Jam: A New Legacy’, na sequel ng 1996 film ni NBA legend Michael Jordan.

Sa pelikula, kailangang makipaglaban ni James sa mga cartoon character para maisalba ang kanyang anak at makabalik sa tunay na mundo.

Nasa trailer din nag-transform si LeBron bilang isang cartoon character, kung saan niya nakita si Bugs Bunny, isang sikat na karakter sa ‘Looney Tunes’.

Inaasahang ipalabas ito July 16 sa HBO Max at mga sinehan sa Amerika. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.