Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James iingatan si Soberano

0 198

Pormal na ipinakilala si Liza Soberano bilang ‘bagong baby’ o talent ni James Reid para sa kanyang kumpanya.

Naway careful planning at hindi bara-barang careless maneuvering ang paghahawak ni Reid sa karera ni Soberano lalo na nga’t hindi na ito pipitsuging starlet.

Every inch of Liza screams a star kaya dapat lang na hindi mapahiya ang Fil-Aussie manager sa kanyang pinaka-estrellang talent acquisition.

Nung mawalan ng prangkisa ang dating network na kasali si Soberano, matunog na balita na may pangmalakasang offer ang GMA 7 sa magandang bininibi. Ang kiyeme latik ng pamunuan nito, hindi porke’t the boat of ABS-CBN sunk, eh sa Kamuning bakuran agad ito magkaikandirit at pipirma. Loyal daw si Liza sa network na ginawa siyang major, major star.

Ang tanong, ano nga kaya ang nasa career pakete ni James na inalatag kay Soberano kaya deadma itong bigla sa ‘loyalty’ at may dramang time to move forward and explore other horizons?

Mas more chances of winning ba na mangyari ang tinatamasang Hollywood dream ni Liza ngayong si Reid na ang magmamahala sa kanyang career?

Mas konektado ang binatang makisig sa Hollywood, ang entertainment capital sa mundo at kumpiyansa si Soberano na sa tulong ni James, eh talagang aariba at mas lalong bobongga ang kanyang career with James hands on tender, loving care na ibibigay sa kanyang career.

Sa true lang, with Liza as James new talent, endless ang mga oportunidad at posibilidad. Tiyak na kung magtatambal sila, marami ang magiging mausisa.

Kaya, hep, hep hooray sa iyo Liza Soberano dahil panalo ang career move mo with James Reid.

Eh kamusta naman kaya si Enrique Gil dahil sa pangyayaring ito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.