Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James inalala si Bryant

0 219

Nag-post si LeBron James ng Instagram photo para kay Kobe Bryant nitong Miyerkoles, tatlong araw matapos iuwi ng Lakers ang 2020 NBA championship.

Naka-No. 24 jersey si LeBron sa larawan.

“Hope I made you proud my brother!! Love and miss you Champ!!” caption ni James.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang mamatay si Kobe kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa noong January, dinedicate ni James ang season sa Lakers legend at nangakong itutuloy ang legacy ni Kobe.

Naglagay ang Lakers ng patch na may initials ni Kobe sa kanilang jerseys pagkatapos ng helicopter crash. Ginamit din nila sa playoffs sa Orlando bubble ang Black Mamba jersey na dinisenyo ni Kobe.

Suot nila ang Mamba uniforms sa Games 2 at 7 ng bawat playoff series para kina Kobe at Gianna.

Isang dekadang naghintay ang Lakers ng susunod na kampeonato, pagkatapos ng huli nilang banner noong 2010 na si Kobe pa ang nagtaas. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.