Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James ininsulto ni Trump

0 333

“He’s a hater.”

Insulto ang inabot National Basketball Association (NBA) star LeBron James kay Donald Trump nang banatan niya ang US president.

Lumalala ang gusot sa pagitan ng dalawa nang hindi mapigilang magbitaw ng negatibong komento ni ‘POTUS’ Trump sa 3x NBA champion.

“LeBron is a spokesman for democratic party and a very nasty spokesman,” pahayag ni Trump sa ‘The Rush Limbaugh Show’.

“The NBA has become so political that nobody cares about it anymore. I don’t even know who’s playing in the [NBA] Finals,” dagdag pa niya.

Noon pa man ay may `bakod’ at hindi na magka-vibes ang basketbolista at ang presidente dahil kampi si Lebron noong 2016 presidential election kay Hillary Clinton. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.