Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James inintriga ang beso sa kapwa lalaki

0 57

NI: ALWIN IGNACIO

Business partner at magkasunod ang kanilang birthday kaya may beso-beso segment sa isang video si James Reid at isang homme na matangkad at borta na obviously ay Asian.

Deleted na raw ang video pero ang mga malulupit na netizen, screen grabbed agad ang kaganapan sa TikTok at sowing the seeds of love ang drama nila dahil tickled pink ang mga hitad, sa true lang.

Common gesture sa cosmopolitans at sophisticates ang mga lalaking naghahalikan sa pisngi, pati na rin ang magbigayan ng mga bear hug. Millennial times na at ang ganiyang gawi ng mga kalalakihan, dapat ay tanggap na at ‘wag bigyang malisya.

Kaso, mas marami pa rin ang nakiliti ang mga imahinasyon dahil sa pangyayari. Sa team daldakina, “jowa reveal” ang tawag sa ginawa ni Reid at papable hombre. Bigla silang napasigaw sa beso-beso moment ay patotoo na “Sabel, this must be love!” ang moment.

Sa pangkat katkatera, agaran ang koklusyon na of the pink kind pala ang sexual orientation at preference ni Fil-Aussie actor. Kaya pala hindi siya maligaya sa relasyon nila Nadine Lustre ay dahil nga lalaki umano ang hanap-hanap nito.

SM food to go Banner Ad

Ang “kalat” na ito, feeling ng mga feelingerang ahit ang mga kilay ay “sinadya” ni James para nga naman mapag-usapan siya lalo na nga’t hindi kumukuti-kutitap ang estrella nito sa shobizlandia. At ngayon nga na usong-uso ang BL, nakikigaya at nakikiuso itong si Reid.

Kung ito nga ay isang publicity stunt, tagumpay ka, lalaking minsan ay minahal ni Nadine. Epektibo naman ang kaganapan dahil marami ang nagulantang at sangrekwa agad ang “nanghinayang”.

Kung ito ay pagpapahayag sa iyong “true colors,” with open arms at tighter than tight bear hugs at mainit na high fives tiyak ang ibibigay sa iyo na magmumula sa pink community.

At kung ito naman ay platonic bromance, ano pa nga ba blooming ang dapat na reaksyon mula sa diva that you love kundi ang sosyal at more bromance moments please ang inyong ibahagi.

Ito’y para naman makasanayan ng mga duduso at dudusa na pwedeng maging affectionate ang mga lalaki sa isa’t-isa and that there is nothing gay about it, sa true lang. (Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.