Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Ipe, Bistek damay sa mga hugot ni Tetay

0 2,359

NI: Archie Liao

Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang birada sa kanya ng isang netizen na maraming pasakalye.

“Yes, ma-drama talaga ako kasi you would be so bored if I was ordinary. Chill please, curfew ngayon,” sey ng actress-tv host.

Isa namang netizen ang nag-reply via a quote mula sa pamosong American book author na si Robert M.Drake bilang pasaring kay Kris.

“The only thing we need is someone who just understands,” komento ng netizen.

Agad namang sinagot ito ni Kris ng:”No, I don’t want someone who merely understands. I deserve a man who is like me, unafraid & ready to fight for the right without question or pause, someone willing to march into hell for a heavenly cause.”

Marami naman ang curious sa bagong pasabog ni Kris.

May bitchy kibitzers namang nagsasabing damay dito hindi lang sina Phillip Salvador at James Yap kundi pati si Bistek.

Dahil sinabi niyang deserving siya ng isang lalakeng kaya siyang ipaglaban, posible rin daw mangabog ito tungkol sa kanyang lovelife.

Leave A Reply

Your email address will not be published.