Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James itataob ni Covington

0 244

Pinatutsadahan ni Ultimate Fighting Championship (UFC) welterweight contender Colby Covington si National Basketball Association (NBA) star LeBron James na patutulugin niya rin ito sa ring, gaya nang ginawa ni Jake Paul kay Nate Robinson noong Linggo.

Kilalang Donald Trump supporter si Covington, at dahil salungat ito sa manok at paniniwala ni ‘LBJ’, may namamagitang ‘di pagkakaunawaan sa dalawa.

“I’d make LeBron James eat the canvas in half the amount of time,” tweet ni Colby.

Sinamantala niya ang pagpapatulog ni YouTuber Paul kay three-time NBA slam dunk champion Robinson sa undercard ng Mike Tson-Roy Jones Jr.

“Everyone knows current NBA players are the softest and most privileged athletes on the planet,” pang-aasar pa ni Covington kay James. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.