Abante Tonite Interactive

James kinunsinti rin si Westbrook vs Jazz fan

205

Sumali si Los Angeles Lakers superstar LeBron James sa NBA players na sumuporta kay Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook sa pakiki­pagsagutan kay Utah Jazz fan Shane Keisel sa laro noong Lunes sa Salt Lake City.

Nakunan ng video si Westbrook na pinagsa­sabihan si Keisel ng “I’ll f**k you up. You and your wife.”

Sinabihan daw ni Keisel si Westbrook ng “get down on your knees like you used to,” bagay na hindi nagustuhan ng star guard dahil ‘disrespectful’ at ‘racial’ aniya.

Itinanggi ni Keisel ang sinabi ni Westbrook, pero banned for life na siya sa Vivint Smart Home Arena. Pinagmulta naman ng NBA si Westbrook ng $25,000 dahil sa pakikipagkomprontasyon at pagbabanta sa fan.

Pinatotohanan ng mga kakamping sina Thunder reserves Raymond Felton at Patrick Patterson na nagsabi ng hindi maganda si Keisel. Sinuportahan din nina Jazz pla­yers Donovan Mitchell, Rudy Gobert at Thabo Sefolosha si Westbrook.

Pinakamalaking boses ang kay LeBron. Via @SpectrumSN:

“I think that situation, the fan was out of line and what he said to Russ, there comes a point where it’s about respect and the only thing we’ve got in life is respect, at the end of the day,” bahagi ng mahaba-habang litanya ni LeBron.

“They could have missed some words, Russ could have said it a little bit differently, but at the end of the day he was right and the guy was in the wrong …”