Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Lakers alpas vs OKC

0 79

Sa pangatlong sunod na laro, nangailangan muli ng overtime ang Lakers bago naitakas ang 114-113 panalo laban sa makulit na Oklahoma City Thunder sa 75th NBA regular season game sa Staples Center sa California nitong Miyerkoles.

Bukod sa kinamadang 25 points sa opensa ni LeBron James, siya rin ang angkla sa pambubulabog ng Los Angeles sa final play ng Thunder sa last 4 seconds ng extra period at ikaangat ng winning team sa 20-6 win-loss record.

Nabasa ni James ang play para kumpletuhin ang defensive stop upang isalya ang OKC sa 10-14. May palamuti pa siyang 6 rebounds at 7 assists.

Sa inbounds sana kay Al Horford, mula sa likod tinapik ni LeBron ang bola, isinalba sa paglabas para tumuloy ang pitik ng orasan hanggang maubos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umayuda ng 20 off the bench si Montrezl Harrell.

Ibinaon ni LeBron ang panablang tres 19.6 seconds sa regulation, isinalpak ni Wesley Matthews ang tiebreaking 3 para sa Lakers 41 ticks sa OT.

Binanderahan ng 25 points ni Horford ang OKC. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.