Abante Tonite Interactive

James, Lakers nilantakan ng Nuggets

622

Umiskor ng tig-20 sina Paul Millsap, Jamal Murray at Malik Beasley at nilampaso ng Denver Nuggets si LeBron James at ang Los Angeles La­kers, 117-85, Martes ng gabi.

Pinakamalaking ­pananambak ng Nuggets sa Lakers ay 29 points noong 1993.

“I thought we came out and just took it to them,” deklarasyon ni Millsap. “Our halfcourt defense was tremendous. We were not allowing them to get any shots.”

Nagdagdag si Nikola Jokic ng 14 points, may 12 pa si Juancho Hernangomez sa pang-apat na sunod na panalo ng Denver.

Sa pang-10 laro nga­yong season, nilimitahan ng Nuggets ang kalaban sa mas mababa ng 100 points.

Nalimitahan sa 14 points si James, pina­ngunahan ng 21 ni Kyle Kuzma ang Lakers. Nagsumite rin ng 14 si Brandon Ingram.

Hindi makuha ng Lakers ang shooting touch laban sa dinayong Denver, tinalo nila sa Los Angeles noong October.

Mula sa labas ng 3-point range ay 5-of-35 lang ang LA.

Lamang ng walo ang Denver sa half, pinabuka sa 89-71 sa matinding atake sa third na inum­pisahan ng dalawang 3s ni Jokic at tinapos ng tip-in ni Mason Plumlee tungo sa 18-point lead papasok ng fourth quarter.

Hindi naglubay ang Nuggets, na-outscore ang mga bisita, 28-14, sa stretch.