Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Lakers tiniris Grizzlies

0 69

Inangklahan nina LeBron James at Anthony Davis ang kalas ng Los Angeles sa dulo para ipagpag ang makulit na Memphis 108-94 nitong Linggo sa 75th NBA 2020-21 regular season game sa FedExForum sa Memphis, Tennessee.

Buhos si James sa fourth quarter nang kamadahin ang 13 sa kanyang 22 points. may 11 lang si Davis sa first 36 minutes pero nakaanim sa final 12, sinahugan pa ng 9 rebounds para sa 5-2 win-loss ng defending champions na sinalya ang biktima sa 2-4.

Pinaglaruan muli ni LeBron ang triple-double sa ibinabang 13 rebounds at pinamigay na 8 assists.

Pumukpok ang Grizzlies kahit wala ang young stars nilang sina Ja Morant at Jaren Jackson dahil sa injuries.

Related Posts

Lumamang pa ng hanggang 12 sa first half ang Memphis bago tumiklop nang mag-init si James.

Bawat loose ball ay hinahabol ni LeBron, kumakaripas sa fast breaks, at pumapasok na ang mga 3-pointers kahit mula sa giant logo ng FedExForum sa midcourt.

Nahawa kay James ang mga kakampi, nakapagsumite rin ng 16 points at 9 rebounds si Montrezl Harrell off the bench, may 14 si Wesley Matthews at tig-11 sina Dennis Schroder at Kyle Kuzma na ginawang starter ni coach Frank Vogel.

Pinamunuan ng 18 points ni Kyle Anderson ang Grizzlies, may 14 points at 10 rebounds si Jonas Valanciunas. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.