Abante Tonite
Mabilis sa Balita

James, Lakers winalis ng Warriors

0 65

Naglaro na si LeBron James at sa unang pagkakataon ay buo sa starting lineup ang Big 3 ng Lakers kasama sina Russell Westbrook at Anthony Davis.

Sinubukan ding isahog ni coach Frank Vogel sa starters si veteran newcomer Carmelo Anthony.

Pero nganga pa rin ang Los Angeles, kinalos ng Golden State Warriors 111-99 sa pangalawang pagkakataon sa 76th NBA preseason Martes.

Nawalis ng Warriors ang two-game series kahit ipinahinga ni coach Steve Kerr sina Stephen Curry at Draymond Green.

Related Posts

Namuno sa Golden State ang 18 points ni Jordan Poole, may tig-16 sina Damion Lee at reserve Otto Porter Jr.

Undefeated sa apat na laro sa preseason ang Golden State, winless naman sa apat din ang Lakers.

Puminta ng 20 points si Davis, tumapos si LeBron ng 17 points, 6 rebounds at 4 assists sa 26 minutes. May 10 points, 10 rebounds at 6 assists si Westbrook, umayuda ng 13 si Anthony. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.